PROUD na ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista ang kaniyang experience sa bagong proyekto na isang international action movie.
Say ni Heart hindi biro ang kaniyang naging karanasan kung saan minsan ay naiiyak na lamang ito sa hirap ng mga eksena.
Kadalasan din aniya ay nais ng mga direktor na siya mismo ang gumanap sa action scenes at huwag gumamit ng double o extra.
Ngunit ang lahat ng ito ay napawi umano nang makita nito ang final outcome ng mga eksena.
Inaasahang sa huling bahagi ng taon ipapalabas ang premiere ng nasabing pelikula na unang mapapanood sa Hong Kong at Los Angeles.
Hindi naman tiyak ng aktres kung ipapalabas din ito sa Philippine cinemas.