CHR Spokesperson Jacqueline De Guia
Ulat ni: Sam Gutierrez
KAILANGANG hukuman ang magsabi kung talagang nanlaban ang mahigit 6,000 na mga nasawi sa drug war ng Administrasyong Duterte.
Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio at SMNI News, sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia na ito lang ang magiging kasagutan para matapos na ang usapin sa umano’y extrajudicial killing sa bansa.
Samantala sinabi ni De Guia na kung sakaling hindi talaga payagan ang mga kinatawan ng UNHRC na magsagawa ng imbestigasyon sa Pilipinas, maaari pa ring magsagawa ng fact-finding sa ibang bansa o kaya sa pinag-susumite na lang ng report online.
Kaya naman, ani De Guia mas mainam na makipagtulungan na lang ang pamahalaan para maging patas ang resulta ng imbestigasyon.