ISANG good news dahil balik-tambalan na ang isa sa pinaka-kinakiligang loveteam sa Hollywood.
Magsasamang muli para sa isang pelikula ang romantic-comedy sweethearts na sina Adam Sandler at Jennifer Aniston.
Pinagkaguluhan at labis na ikinatuwa ng mga fans ang muling pagpapakilig ng dalawa sa pelikulang “Murder Mystery” na mapapanuod sa streaming platform na Netflix.
Habang excited at proud naman ang Hollywood superstars sa kanilang comeback bilang duo.
Huling nagtambal sina Jennifer at Adam sa international blockbuster na “Just Go with It” noong 2011.