NANINIWALA si Surigao Del Sur 2nd district Representative Johnny Pimentel na makakakuha ng pinakamalaking tsansa sa pagka-House Speaker ang PDP-Laban.
Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio at SMNI News, sinabi ni Pimentel na maliban sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PDP-Laban ay sila rin ang may pinakamaraming bilang na may 84 miyembro.
Subalit, sinabi ng kongresista na masasayang lang ang magandang pagkakataon nila kung hindi magkakasundo at magkakaisa sa pagpili ng magiging pambato sa pagka-House Speaker.
“’Pag hindi tayo nagka-ayos ayos dito, eh masasayang itong tsansa natin. Once iba ang magiging speakership, sigurado itong PDP Laban, mauubos iyan. Because kung let’s say ang… si Cayetano or si Martin ang magiging presidente, si Romualdez, yung iba diyan maglilipatan,” paliwanag ni Rep. Pimentel.