NAPAGDESISYUNAN ng NBA superstar na si LeBron James na ibigay sa newly-traded Lakers player na si Anthony Davis ang kaniyang Jersey No. 23 na ginamit nito sa katatapos na NBA Season.
Ito ang naging pahayag ng Lakers star na si James sa mga report.
Ang naturang jersey number ay ginamit ni Davis sa kanyang pitong taong pananatili sa New Orleans Pelicans.
Muli namang isusuot at ibabandera ni LeBron ang kaniyang Jersey Number 6 na ginamit nito noong nasa koponan pa siya ng Miami Heat.
Opisyal namang magiging parte ng Los Angeles Lakers si Anthony Davis kapag nagsimula na muli ang liga sa July 6.
Matatandaang na-trade si Anthony Davis ng Lakers sa dati nitong team na Pelicans at matapos din ang naging reworked deal sa Washington.