Ni: Linda Barrientos
Pinasinayanan kamakailan ang ikawalang branch ng Luna J Bubble Tea sa ATC Courtyard Santo Tomas Batangas.
Sa panayam ng Pinas Global Newspaper sa may-ari ng Luna J na si Ryan Jay Luna at asawa nitong si Janna Pei Platon-Luna, sinabi ng mga ito na hindi nila akalaing magiging negosyo ang simpleng pagkahilig nila sa Milk Tea.
Ayon pa kay Ryan, hindi naging madali para sa kanya na umangat ang kanilang Milk Tea business dahil ilang ‘trial and error’ ang nangyari bago nila nakuha ang tamang lasa at timpla ng nasabing produkto.
Ipinagmamalaki niyang sa loob ng 2 taon, naibigay nila sa kanilang mga kustomer ang timplang babalik-balikan ng mga ito.
Maliit man umano ang kanilang kumpanya pero nasasabayan nila ang standard ng mga malalaking kumpanya.
Malaki umano ang kanilang tiwala na hindi magsasawa ang kanilang mga kustomer lalo na ang millennials dahil hindi sila tumitigil sa pag-innovate upang mas lalo pa nilang mapapasarap ang lasa ng kanilang Milk Tea.
Pinag-aaralan na rin nila ngayon kung paano makatulong sa iba sa pamamagitan ng pagpapa-franchise ng Milk Tea business.
Makikita ang kanilang branch sa Tanauan, Batangas City.