Vick Aquino Tanes
BUMIDA ang isang French national at kaniyang asawang Filipina sa bayan ng Alang-Alang, Leyte matapos nilang ilunsad ang technologically advanced rice processing center.
Pinili ng mag-asawang Patrick Renucci, at Filipino wife niyang si Rachel na mamuhay sa Alang-Alang noong 2015 kapalit ng maayos na pamumuhay sa Paris kung saan si Patrick ay nagmamay-ari ng isang printing press at si Rachel ay isang investment banker.
Ayon sa mag-asawa, isa lang ang kanilang hiling na makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Mula nang mabalitaan nila na lubos na naapektuhan ng bagyo ang Leyte ay kapwa sila nagdesisyon na tumulong sa mga nasalanta.
Nagkasundo ang mag-asawa na manirahan sa Leyte at magtayo ng negosyo para makatulong sa mga kababayang naapektuhan.
Naisip naman ng mag-asawa na maglaan ng isang negosyo na makakatulong sa mga kababayan sa pamamagitan ng rice production business na kung saan ay nagbibigay sila ng low-interest na pautang at naglalaan ng seeds sa mga para aa mga magsasaka.
Ayon kay Rachel, nakadiskubre sila ng isang well-kept secret na hindi alam ng nakararaming mga Pilipino. Ang Leyte ay isang top rice-producing region sa bansa na marami nang nakalaang post-harvest facilities, kaya naisipan nilang makatulong sa mga magsasaka na magkaroon ng teknolohiya at ibigay ang world-class rice sa mga Pinoy.
Inilunsad ng mag-asawa sa Alang-Alang ang pinaka technologically advanced rice processing center sa Southeast Asia na ginagamitan teknolohiya para sa pagpapatuyo, pag-iimbak ng mga bigas na makatutulong sa mga magsasaka na makaani ng mas marami at tumaas ang kanilang kita.
Dahil sa kanilang pagsisikap na mapaunlad ang negosyo, kinilala ito ni President Rodrigo Duterte at dumalo pa ito sa kanilang inauguration. Nais rin ng Pangulo na gayahin sa iba pang lalawigan ang business model na itinatag ng mag-asawa.
“Really, I’d like to thank you from the bottom of my heart. And if we can work together, if you want to stay in the Philippines, and I said considering the amount that you have invested… I’m not that rich but I can give you another P1.5 billion to do your thing,” wika ni Pangulong Duterte.
Sa kabila ng kanilang naiambag na negosyo sa Leyte ay binigyan ng Pangulo ang mag-asawa ng Filipino citizenship at sinabing kuwalipikado si Patrick na maging miyembro ng gabinete na makatutulong sa usaping agrikultura