SMNI NEWS
NILAGDAAN ng alkalde ng Davao City na si Mayor Sarah Duterte at founder ng Jose Maria College na si Doctor Fellow Pastor Apollo C. Quiboloy ang isang memorandum of understanding na layong magbigay ng scholarship sa mga karapat dapat na mag-aaral sa Jose Maria College of Medicine Foundation na mag-uumpisa ngayong buwan ng Agosto.
Sa ilalim ng Medical Educational Assistance Program ng lungsod ng Davao, magbibigay sila ng full scholarship, kalakip na nito ang bayad sa tuition fees, miscellaneous fees, at iba pang bayarin.
Kasama na rin ang mga libro at allowance para sa mga kapos ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral.
Ang Jose Maria College of Medicine Foundation ay pangatlo sa pinakabagong School of Medicine sa Region 11, at nagpahayag ito ng suporta bilang kapartner ng lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng assured, consistent at quality medical education para sa mga benepisyaryo ng nasabing programa.
Kabilang din sa naganap na MOA signing ang mga opisyal mula sa JMC at City Mayor’s Office para masaksihan ang pangyayari.
Naroon sina Dr. Nelly Canada, JMC President, Atty. Pearl Angeli Canada, JMC Administrator, JMC’s Vice President for External Affairs, Dr. Joemark Libre, Dr. Aurelo Naraval, Dean ng College of Medicine at Dr. Alvin Coneha, Associate Dean of College of Medicine, maging ang city administrator na si Atty. Raul Nadela at Atty. Shine Fajardo, ang Assistant City Administrator.
Sa naturang MOA signing, nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Duterte kay Doctor Fellow Pastor Quiboloy ng Jose Maria College bilang kapartner ng pamahalaan sa nasabing layunin.
Samantala, nagpasalamat din si Rev. Doctor Fellow Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagtitiwala na ibinigay ng lungsod at sa pagpili sa Jose Maria College of Medicine Foundation upang magbigay ng excellent medical educations sa mga iskolar ng syudad.
Para sa inyong mga katanungang maari kayong bumisita sa official website ng Jose Maria College o kaya ay personal na magtungo sa kolehiyo.