SMNI NEWS
PAGBIBIGYAN ng PNP ang hiling ng mga bagong upong alkalde na magpalit ng chief of police o provincial commander sa kanilang nasasakupan.
Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na inasahan na nila ito lalo na sa mga lugar na bago ang alkalde.
Nasa ilalim din aniya ng batas na may karapatan ang mga alkalde na pumili ng hepe ng pulis.
Bagama’t iginagalang ng PNP ang karapatan ng local chief executive ay umaasa sila na kwalipikado ang mapipiling pinuno ng pulisya sa kanilang lugar.
Ayon kay Albayalde, may mga kwalipikasyon na kailangang masunod sa pagpili ng chief of police o provincial commander.
Wala rin aniya silang magagawa kung wala sa kanilang isinumiteng listahan ang mapipiling hepe ng pulis ng mga alkalde.