SAMANTALA na sa ibang bansa tulad ng Germany at Russia ang pagpaparusa sa mga taong nagpapalaganap ng mga pekeng impormasyon at pagpapabura ng mga hate speech sa social media.
MAAARI ng maparusahan ang mga taong nagpapalaganap ng maling balita o fake news sa bagong panukalang inihain ni Sen. Pres. Tito Sotto.
Sa ilalim ng Senate Bill No.9, maaring pagbayarin mula P200, 000 hanggang P2 milyon o pagkakakulong ang mga mahuhuli o mapapatunayang nagpapakalat ng pekeng impormasyon sa social media.
Ayon sa senador ginawa ang panukala para protektahan ang publiko mula sa mga panloloko na nagagawa ng mga pekeng balita o impormasyon na nagsisilabasan ngayon sa internet.
Sa huling survey ng Social Weather Station, noong first quarter ng 2018 lumalabas na nasa 67% ng mga internet users ang naniniwala na isa ng malaking problema ang isyu ng fake news sa internet.