NAGHAHANDA na ang mga atletang Pinoy na mananakbo sa marathon dahil inilunsad ng MILO Philippines ang National MILO Marathon na may temang “One Team. One Nation. Go Philippines!”
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), suportado ng MILO ang partisipasyon nina six-time MILO Marathon Queen Mary Joy Tabal at MILO Marathon runner-up Jerald Zabala sa 30th edition ng biennial meet na nakatakda sa Nobyembre.
Higit sa 100,000 runners ang makikilahok sa MILO Marathon ngayong season na magsisimula sa Hulyo 28 para sa Metro Manila elimination (1st Leg).
Sa unang pagkakataon, isasagawa ang National Finals sa Enero 2020 bilang pagbibigay daan sa gaganaping SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.
Bukod sa Metro Manila leg (July 28), gaganapin ang NMM sa Subic Bay Freeport Zone (August 4), Lucena (September 15), Batangas (September 22), Cebu (September 29), Iloilo (October 6), General Santos (October 13), Davao (October 20), Cagayan De Oro (November 17), at Tarlac sa National Finals sa January 19, 2020.
Itinataguyod ang 2019 National MILO Marathon ng Salonpas, Philam Life, Garmin, Conrad Hotel, the Official Hotel Partner at bXTRA, sa ayuda ng Department of Education, Philippine Sports Commission.