EYESHA ENDAR
PINATUTUTUKAN ng Department of Finance sa Kongreso para maipasa ngayong taon ang lahat ng natitirang tax reform packages ng Duterte Administration.
Kabilang dito ang Package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law na layong babaan ang corporate income tax, Package 2 plus o ang dagdag buwis sa mga nakalalasing na inumin, Package 3 o ang property evaluation o pagbabago sa mga buwis sa mga ari-arian at Package 4 o ang iba pang financial taxes.
Kaugnay nito, iniutos ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na gawing apat na beses kada buwan ang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council para mas madiin sa mga mambabatas ang kahalagahan ng mga panukalang batas.
Isasama rin ng DOF sa pulong ang National Economic Development Authority at Department of Budget and Management.