Magugunitang kinuwestyon ng kampo ng bise-presidente ang naturang ginampanan ng OSG sa pagsasampa ng sedition case laban sa umano’y nasa likod ng Bikoy’s video.
CRESILYN CATARONG
WALANG masama kung komunsulta ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG sa Office of the Solicitor General pagka’t ito ang tumatayong general counsel ng gobyerno.
Ayon kay Atty. Larry Gadon, normal lang na kumunsulta ang CIDG sa OSG dahil kumplikado ang legal issues.
“Wala namang masama kung ang CIDG ay magkonsulta sa OSG pagkat ang OSG ang tumatayong general counsel ng gobyerno so lahat ng agency ay talagang normal lamang na humihingi ng advice sa kanila lalo pa at medyo komplikado yung mga legal issues ay kumukonsulta talaga sila,” ayon kay Atty Gadon.
Hindi rin tama na sabihing persecution ang naging hakbang ng CIDG sa paghahain ng impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo.
Ang batas ay dapat nasasakupan ng lahat at hindi isyu kung oposisyon o administrasyon.