TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza
SMNI NEWS
DAPAT papanagutin ang mga recruiter ng mga dayuhang iligal na nagtatrabaho sa bansa.
Ito ang iginiit ni TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza kasunod ng pagkakaaresto ng 100 illegal foreign workers sa bansa noong nakaraang linggo sa Biñan, Laguna.
Ayon kay Mendoza, hindi sapat na ikulong ang mga nadakip na mga banyagang manggagawa.
Giit nito, dapat ding tugisin ang mga illegal recruiters ng mga ito dahil sa pagdami ng mga naarestong nagtatrabaho sa bansa na mga dayuhang walang sapat na kaukulang dokumento.
Maliban rito, iminungkahi rin nito ang pagpapanagot sa mga employer na tumatanggap sa mga dayuhang manggagawa kahit walang sapat na working permit at visa.