ANG nasabing rekomendasyon ng DENR ay kailangan pa ng pag-apruba nina DENR Secretary Roy Cimatu, at DOT Secretary Bernadette Puyat.
MELODY NUÑEZ
INIREKOMENDA na ng Department of the Interior and Local Government ang rehabilitasyon at pansamantalang pagsasara sa ilang beach resort sa El Nido, Palawan dahil sa maruming tubig.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, inirekomenda nila ang tatlong buwan na pagpapasara sa 3 lugar sa Bacuit Bay at isang lugar sa Corong-Corong dahil sa mataas na fecal coliform level sa mga outfall.
Ibig sabihin aniya ng closure ay walang papayagan na mag-swimming at wala ding mga water activities.
Sinabi ni Usec. Densing na nakitang napakataas ng fecal coliform sa Bacuit Bay at Corong-Corong outfall na umabot sa 3.4 million most probable number per 100 milligrams ng tubig na mas mataas kumpara sa 100mpn na ligtas paliguan.
Dagdag pa ni Densing na mismong nakita nila sa kanilang isinagawang inspeksyon sa lugar ang napakaruming tubig na kulay itim na, maraming green algae at marami rin aniyang dumi ng tao diretso sa dagat.