PRESIDENTIAL Spokesperson Salvador Panelo
MARIING pinabulaanan ng Malacañang ang finding ng isang US-based data group na isa ang Pilipinas sa pinakamapanganib na bansa para sa mga sibilyan.
Sa ulat ng Armed Conflict Location and Event Data (ACLED) project, pang-apat ang bansa sa “Most Unsafe Countries” sa buong mundo para sa mga sibilyan dahil sa umano targeted attacks ng pamahalaan sa pamamagitan ng giyera kontra iligal na droga.
Ngunit giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mapanganib lamang ang Pilipinas para sa mga kriminal, mga corrupt officials at miyembro ng drug syndicate.
Pinasinungalingan din ni Panelo ang pahayag ng ilang kritiko na umabot na sa 27,000 katao ang nasawi sa drug war dahil batay sa opisyal na datos ng gobyerno ay nasa 5,000 lamang ito.
Samantala, tinawag naman na walang basehan ni Philippine National Police Gen. Oscar Albayalde ang nasabing ulat ng ACLED.
Diin nito, lahat ng police operations ay lehitimo at mayroong kaukulang dokumento.
Dagdag ng PNP chief, misinformed lamang ang mga international groups sa drug war ng pamahalaan gayong mayorya ng Filipino ay suportado ito.