SA ngayon ito na ang pinakamababang inflation simula noong Setyembre ng 2017.
IKINATUWA ng palasyo ang patuloy na pagbaba ng inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin nitong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson, kahanga-hanga ang pagsisikap at trabaho ng ecomonic managers ng administrasyon na mapababa ang inflation ng bansa.
Maliban naman sa mga economic managers, pinuri rin ni Panelo ang mga mambabatas nitong 17th congress sa pagpasa ng mga batas para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
Kaugnay nito, kinuwestyon naman ni Panelo ang mga kritiko ng administrasyon kung bakit nananahimik sa pagbaba ng inflation rate sa 2.7%.