AYON sa SEC na hindi dahil sa impluwensya ni Pastor Apollo kung bakit napasara ang KAPA, kundi ito ay matagal nang ipinapasara dahil ito ay labag sa batas.
KASABAY ng pagdami ng mga iligal na investment scams na kumakalat sa mga huling araw na ito, kabilang na ang mga simbahan o mga nagpapanggap bilang mga simbahan, nilinaw ni Pastor Apollo C. Quiboloy kung ano ang pag-ibig sa salapi at ang tunay na pag-ibig sa Diyos.
Matapos paratangan na siya ang nasa likod ng pagpapasara ng KAPA International Ministry, hinikayat din ni Pastor Apollo sa kanyang programa sa Give Us This Day ang mga tao na sumunod sa batas ng lupa.
Hindi umano makatarungang siya ang sisihin ng mga tao sapagkat tunay na ang naturang samahan ay iligal dahil nakarehistro ito bilang relihiyon ngunit gumagawa ng investment scam.
Matatandaang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos ng pagpapasara ng KAPA dahil sa hindi pagsunod nito sa batas.
Pinabulaanan na rin ng SEC, na hindi dahil sa impluwensya ni Pastor Apollo kung bakit napasara ang KAPA, kundi ito ay matagal nang ipinapasara dahil ito ay labag sa batas.
Sa ngayon, nahaharap na sa patong patong na kaso ang KAPA na isinampa ng SEC sa DOJ at patuloy na ring pinaghahanap ng batas si Joel Apolinario upang harapin nito ang kanyang mga kaso.