Binisita muli ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang Cagayan de Oro City noong isang linggo para sa ikalawang yugto ng King Is Coming Tour nito sa Pilipinas kasama na ang mahigit dalawang daang crew nito at mga kingdom musicians. Samantala ginawaran din ng anim na pagkilala si Pastor Apollo sa nasabing okasyon dahil sa mga naging kontribusyon nito sa Cagayan de Oro City at karatig probinsya nito.
Makalipas ang pitung taon, mainit na tinanggap ng Cagayan de Oro, na tinaguriang “The City of the Golden Friendship” si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom Of Jesus Christ para sa pangalawang yugto ng King Is Coming Tour nito sa Pilipinas ngayong taon.
Libo-libong tao ang dumalo sa nasabing pagtitipon para personal na maranasan ang tunay na pagsamba sa Dakilang Ama at marinig ang mensahe ng kaligtasan mula mismo sa Hinirang na Anak ng Diyos.
Maliban sa mga sa mga kingdom citizen, naroon din ang mga symphatizer, first time walk in visitors, radio listeners at mga televiewer ni Pastor Apollo sa kanyang programa sa Sonshine Media Network International.
Nariyan din ang bisita na bunga ng mga live streaming ni Pastor Apollo sa iba’t-ibang social media platforms at smni.com upang personal na makita ang hinirang na anak ng Diyos.
Nang mag-umpisa ang Thanksgiving and Worship Presentation, nakiisa ang lahat sa pagsamba at pag-aalay ng awit ng pasasalamat at papuri sa Amang Makapangyarihan sa pangunguna ng mga Kingdom Musician.
Nag-alay din ng kanilang mga talento ang mga kabataan mula sa Kingdom Children Growth School sa Cagayan de Oro City para luwalhatiin ng ating Dakilang Ama at bilang pasasalamat sa kanyang kabutihan at grasya.
Nakisabay din ang buong kongregasyon sa pag-aalay ng masasayang makalangit na awitin para sa Amang Makapangyarihan bilang pasasalamat sa malaking pribilehiyo na makasama muli ang Hinirang na Anak ng Diyos.
Samantala, dumalo rin ang ilang special na panauhin sa nasabing Thanksgiving and Worship Presentation kabilang na ang mga kaibigan at taga suporta ng kongregasyon at ni Pastor Apollo.
Ilang sandali pa ay nangusap na ang Hinirang na Anak ng Diyos sa lahat—dala ang mensaheng magbibigay ng tunay na kalayaan mula sa pagkakaalipin sa kasalanan.
Samantala, nag-alay din ng isang espesyal na dalangin si Pastor Apollo para sa mga dumalo at maging sa mga sumubaybay sa programa nito sa Sonshine Media Network International at sa Internet.
Samantala, bago paman matapos ang thanksgiving and worship presentation sa Cagayan de Oro City, ay ginawaran naman si Pastor Apollo C. Quiboloy ng ibat-ibang pagkilala mula sa local na pamahalaan ng Cagayan de Oro City at iba’t-ibang grupo dahil sa mga kontribusyon nito sa Cagayan at sa mga kalapit probinsya nito.