SMNI NEWS
HINDI pa makapagbigay ng kongkretong pahayag ang pamunuan ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA kaugnay sa muling pagsusulong ng medical marijuana sa Kongreso.
Ayon kay Derrick Carreon, direktor ng PDEA, nasa proseso pa sila ng pakikipag-ugnayan sa University of Santo Tomas clinical division kaugnay sa pag-aaral na gagawin sa posibleng epekto ng medical marijuana sa tao.
Paglilinaw ni Carreon, nasa draft encounter palang sila ngayon sa pagitan ng PDEA Laboratory Division at UST.
Batay sa proseso, uunahin muna ang animal research and experiment at kung magtagumpay ay saka ito susubukan sa tao.
Ayon kay Carreon, sasailaim sa isang pormal na memorandum of agreement ang pag-aaral at pananaliksik bago ito simulan sa hindi pa malamang petsa.
Nauna nang pumasa ang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ngunit hindi ito naipasa sa Senado kung saan layon itong gawing alternatibong gamot para maibsan ang pananakit sa mga karamdaman gaya ng cancer, autism at iba pang kahalintulad na sakit.