MATINDI ang pressure ngayon ng Malakanyang sa Kongreso para ipasa sa lalong madaling panahon ang Department of OFW Bill.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na minamadali na ng Malacañang ang pagpasa sa panukala kaya doble kayod ngayon ang Kamara sa pagpasa nito.
Kabilang naman ang OFW Department Bill sa top 10 bills ni Speaker Cayetano kung saan inihain nito ang House Bill No. 2.
Tiniyak naman ni Cayetano na aabot sila sa deadline bago mag-Disyembre ngayong taon para ipasa ang isa sa mga priority bill ng Kongreso.
Sa susunod na linggo ay magsisimula na ang mga committee hearings sa Kamara.