NAKAPAGHAIN na si Senator Vicente Tito Sotto III ng kaniyang pet bills para sa 1st round ng paghahain ng panukalang batas para sa 18th Congress.
Kabilang sa kaniyang top 10 priority ay ang Medical Scholarship Act, Anti-Drug Penal Institution, Presidential Drug Enforcement Authority, Dangerous Drugs Court, Lowering the Age of Criminal Responsibility, Prevention of Terrorism Act hybrid Election Act, Penalty for Perjury, Anti-Fake News Act at Increasing the 14th Month Pay Law.
Maliban kay Sotto ay nakapagfile na rin ng kanilang pet bills ang anim na senador na sina Sen. Ping Lacson, Sen. Francis Pangilinan, Sen. Ralph Recto, Sen. Pia Cayetano, Sen. Nancy Binay at Sen. Richard Gordon, Sen. Grace Poe at Sen. Bong Revilla, Sen. Lito Lapid at Sen. Sonny Angara.
Mapapansin na ngayon ay dinaan sa seniority ang sequence ng mga senador na maari nang mag-file ng kanilang mga pet bills kumpara noong mga nakaraang taon na agawan sa pila ang mga staff ng mga senador para sa pag-file ng kanilang mga pet bills.