SMNI NEWS
TUMANGGI si Sen. Richard Gordon na isponsoran ang panukalang batas na muling buhayin ang death penalty o parusang kamatayan.
Binigyang diin ni Gordon na hindi siya mag-sponsor at depensahan ang panukala kahit maaprubahan ito ng Senate Committee on Justice na kaniyang pinamumunuan.
Sa ngayon ay apat na senador ang naghain ng panukalang pagbuhay sa death penalty para sa illegal drugs, plunder at iba pang krimen.
Kabilang dito sina Senators Manny Pacquiao, Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go at Panfilo Lacson.
Maging si Senador Sherwin Gatchalian ay nagpahayag din ng kahandaan na maghain ng panukalang buhayin ang death penalty.