DZAR 1026 Sonshine Radio Manila Station Manager Admar Vilando at LtGen. Rozzano Briguez, Commanding General, Phil. Air Force.
Kabilang ang Sonshine Media Network Int’l o SMNI sa mga binigyan ng pagkilala ng Phil Air Force.
Naging katuwang ng Phil Air Force ang SMNI sa pagpapalaganap ng mga makabuluhang impormasyon at balita mula sa kanila kung saan maipaabot ang mga makabuluhang balita at impormasyon sa publiko.
Isa lang yan sa patuloy na isinusulong ng SMNI maliban pa sa mula sa pusong pagbibigay ng public service
Ito ang dahilan kung bakit binigyan ng pagkilala ng Phil. Air Force ang SMNI na naging katuwang nila para mailahad sa mga manonood sa Sonshine TV at mga nakikinig sa Sonshine Radio sa loob at labas ng bansa ang kanilang mga programa at mga layunin.
Ginanap ang pagbibigay parangal sa SMNI at iba pang media entity sa Media Night na inorganisa ng Phil Air Force sa Col Jesus Villamor Air Base sa Pasay City, Martes ng gabi ng nakaraang linggo.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Phil Air Force Commanding General LtGen Rozzano Briguez ang mahalagang papel ng media sa kanila.
Anya sa tulong ng media, lalong nabuksan ang isip ng publiko na hindi lang pagpapalipad ng eroplano o helicopter bilang air support ang kaya ng Phil Air Force kundi marami pa silang maibibigay ng serbisyo sa mamamayan.
Maliban sa SMNI binigyan din ng pagkilala ang Defense Press Corps at ang government station na PTV.
Si Pastor Apollo C Quiboloy na siyang Chairman ng SMNI ay matagal nang nagsusulong na bigyang halaga ang makabuluhang pagpakalat ng mga mahahalaga at kapakipakinabang na mga balita at impormasyon sa bayan.
CAPTION: