MELODY NUNEZ
BINIGYAN ng 10 game suspension ng Women’s National Basketball Association ang Los Angeles Sparks guard na si Riquna Williams.
Ito ay kasunod ng kinasasangkutan nitong domestic violence insident na nangyari noong Abril at Disyembre.
Ayon sa mga report, naakusahan ang manlalaro ng dalawang felony accounts kasunod ng napabalitang pananakit nito sa kaniyang kinakasama at pananakot gamit ang kaniyang baril.
Bago naman ipataw ng WNBA ang pagpapaliban sa game ay nagsagawa muna ito ng imbestigasyon at dumaan anila sa panel of expert ang kanilang inihaing suspensyon.
Sa kabilang banda, kung titignan naman ang record ng Sparks player ay nakapag-average na ito ng 11.5 points at 2.7 assists sa huling 15 games nito ngayong season.