GANAP ng isang batas ang panukalang bigyan ng diskuwento sa pamasahe ang mga estudyante matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act.
Sa ilalim ng batas, inaatasan ang lahat ng uri ng transportasyon katulad ng mga jeep, bus, UV express vans, taxi at TNVS kasama rin ang eroplano, barko, MRT, LRT at PNR na magbigay ng diskuwento sa mga estudyante.
Ayon kay Senador Sonny Angara, author ng panukala, kailangan lamang ipakita ng mga estudyante ang kanilang school ID bilang patunay na sila ay naka-enroll.
Ibibigay ang diskuwento sa buong taon kahit holidays.
Hindi naman sakop ng batas ang mga naka-enroll sa mga dancing o driving schools, short-term courses para mag seminar, at mga post-graduate studies katulad ng medicine, law, masters at doctorate degrees.