GAMITIN ang talento sa pagpili ng negosyong papasukin, mahalaga ito upang maging matagumpay sa larangan ng pakikipagkumpetensya sa mundo ng kalakal.
EYESHA ENDAR
Gusto mong gumaan ang iyong buhay? Bakit hindi pagyamanin ang iyong mga potensyal para pagkakitaan?
Basahin at pag-aralan kung paano makakatulong sa iyo ang mga sumusunod:
PAGBIBIGAY-SERBISYONG MGA NEGOSYO
Kung nakikita mo sa iyong sarili na may talento at kakayahan sa larangan ng photography, event planning, singing, hosting, painting, paggawa ng website at iba pa na alam mong magagamit para makatulong sa kabuhayan, bakit hindi mo pagyamanin ang mga ito?
PAGGAWA NG ACCESSORIES
Kung ikaw ay mahilig magbutinting ng mga bagay-bagay, gumawa ng mga accessory tulad ng bracelets, necklace, earrings, at iba pang mga bagay na nakikita mong madalas na ginagamit ng mga tinedyer ngayon o kahit ng mga medyo may edad na.
Marami ang mga tumatangkilik sa ganitong klase ng mga produkto kaya hindi ito nawawala sa kahit saan mang lugar na pinupuntahan ng mga tao, tulad ng Divisoria, mga mall, maging sa mga bazaar sa iba’t-ibang lugar.
MAGLUTO NG CAKES AT CUPCAKES
Kung mahilig kang magluto ng cakes, cupcakes, cookies at iba pang pagkain, maari mong ibenta ang iyong mga niluto sa iyong mga kaklase, kaibigan, kaopisina, kapitbahay at maging sa mga tindahan.
Ang mga pangunahing kagamitan na kailangan ay oven, baking pan, spatula, harina, baking powder, sugar, butter at ang ingredients ay depende sa kung ano ang gusto mong lutuin.
MAGBENTA SA ONLINE
Pwede mong ibenta ang iyong mga produkto online. Magsimula sa mga bagay na nakahiligang gawin at sa pamamagitan nito, hayaang umunlad ang iyong buhay.