NOONG Mayo ng taong ito, ipinabalik ni Pangulong Rodrigo sa Canada ang kanilang mga basura.
SMNI NEWS
NAKABALIK na sa Canada ang tone-tonelada nilang basura na itinambak sa Pilipinas sa loob ng mahigit 6 na taon.
Dumaong sa Deltaport sa Tsawwassen Ferry Terminal sa Vancouver ang cargo vessel lulan ang nasa 69 na containers ng basura.
Nakatakda namang sunugin ang mga basura sa isang waste-to-energy facility sa Burnaby, B.C.
Matatandaang dumating sa Pilipinas ang naturang mga basura noong 2013 at 2014 na idineklara ng Canadian company na Chronic Incorporated, bilang “plastic materials for recycling.”