NAIHAIN na sa pagbubukas ng 18th Congress kamakailan ang unang limang mga panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Apat sa first five bills na naihain ngayon sa Kamara ay mula kay Cebu Rep. Raul del Mar.
Kabilang dito ang HB 11- an act creating Mega Cebu Development Authority (MCDA), HB 12- o an act strengthen the rights of citizen to information held by the government (FOI), HB 13- o an act allowing the use of motorcycles as public utility vehicle, at ang HB 14- o an act providing for a Light Rail Transport (LRT) o ang Metro Rail Transport (MRT) or monorail in Cebu City or Metro Cebu.
Pang-lima naman sa naihain ay ang HB 15- Human Rights Defenders Protection Act na akda ni Rep. Edcel Lagman.
Sa House Bill number 11 nagsimula ang numbering ng mga panukalang batas dahil ang 1-10 slots ay nakatalaga para sa mga pet bills ng uupong House Speaker.
Maliban diyan, ang Makabayan Bloc ay nakapaghain na rin ng kanilang mga pet bills.
Kabilang dito ang mga panukalang batas na layong e-repeal o ipawalang bisa ang Rice Tariffication Law, Human Security Act, TRAIN Law, pag-amyenda sa Anti- Rape Law at marami pang iba.