SMNI NEWS
NANGAKO ang bagong Western Mindanao Command Chief na si Lieutenant General Cirilito Sobejana na bibigyan ng hustisya ang mga sundalo na nasawi sa pagsabog kamakailan sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu at tatapusin ang mga pag-atake ng Abu Sayyaf Group.
Sa talumpati ni Sobejana sa turnover ceremony para sa kanyang pagbakante bilang kumander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Maguindanao kahapon, sinabi nito na kanyang tatapusin ang sinimulan ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Sobrejana, sa Disyembre 2019 ay tatapusin ng militar ang Abu Sayyaf at foreign terrorist sa Sulu bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang mga grupong rebelde sa 2020.
Biyernes nang maganap ang Indanan blast kung saan walo ang nasawi kabilang ang tatlong sundalo habang 22 ang nasugatan.
Pinaniniwalaang suicide bomber at posibleng foreigners ang mga suspek.