Isinusulong ngayon ng ilang artista at pulitiko na kilalanin bilang national artist ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.
Kabilang sa mga politiko na naniniwalang dapat igawad kay Manoy ang titulong national artist ay sina Senador Lito Lapid, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto at Senador Bong Revilla.
Habang mayorya naman ng kilalang personalidad sa showbiz industry ang naniniwalang nararapat lamang na kilalaning national artist ang aktor dahil sa malaking ambag nito sa telebisyon at pelikulang Pilipino.
Suportado din ni Film Development Council of the Philippines Liza Diño ang naturang panukala, dahil sa hindi matatawarang dedikasyon nito sa industriya at record-breaking awards.
Samantala, ikinasa na ng Occupational Safety and Health Center ng Department of Labor and Employment ang imbestigasyon sa aksidenteng ikinamatay ng batikang aktor na si Eddie Garcia.
Kasunod ito ng direktiba ni Labor Sectretary Silvestre Bello III na tignan kung mayroong pagkukulang ang TV production company kung saan naaksidente si Manoy habang nag shoshooting.
Layon din ng imbestigasyon na uusisain kung tumupad ba sa rule at standards ang kumpanya.
Magugunitang dalawang linggo na-comatose ang aktor dahil sa neck injury at kalaunan ay binawian ng buhay noong june 20.