OPISYAL na ngang napili ang Duke Power forward na si Zion Williamson bilang top pick sa 2019 NBA draft.
Mapapabilang ang Spartanburg, South Carolina native sa mga bagong mukha na makikita sa koponan ng New Orleans Pelicans.
Ang 6-foot-7 player ay nakapag-average ng 22.6 points, 8.9 rebounds, 2.1 assists, 2.1 steals at 1.8 blocks per game.
Sa naging pahayag naman ng College Basketball Player of the Year, aniya malinaw pa rin sa kaniyang memorya ang kaniyang pangarap noong apat na taong gulang pa lamang ito na mapabilang sa NBA na naisakatuparan na ngayon.