Kumpirmado na ang biglang pag-atras ng phenomenal star na si Nadine Lustre sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Miracle in Cell No. 7”.
Kinumpirma ng MMFF official na si Noel Ferrer na naghain ng request ang VIVA films para sa pagbabago ng kanilang pelikula.
Batay dito, umapela si Nadine na bitiwan ang kaniyang role sa naturang pelikula dahil sa medical concerns.
Dahil dito ay ibibigay na ang proyekto sa aktres na Bela Padilla.
Ang naturang pinoy remake ng korean movie hit ay ang kauna-unahang proyekto sana na pagsasamahan nina Nadine at Aga Mulach.