UMARANGKADA na ang 43rd National MILO Marathon–NCR Leg Manila Elemination na ginanap noong Hulyo 28, sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Ngayong taon, ang marathon ay may temang “One Team. One Nation. Go Philippines!” na sumusuporta sa mga atletang Filipino na lalaban sa 30th Southeast Asian Games.
Kampeon sina Christine Hallasgo at Anthony Nerza sa 42K run. Sa female division, nagreyna si Hallasgo na naorasan ng 3:06:28; second-place si April Rose Diaz (3:15:05); at third-placer si Maricar Camacho (3:26:03).
Sa male division, naghari si Anthony Nerza na naorasan ng 2:32:50, habang pumangalawa si Richeel Languido (2:36:43) at pangatlo si Jeson Agravante (2:38:48).
Sina Nerza at Hallasgo ay nanalo ng P50,000 at trophy.
Sinabi ni MILO sports manager Lester Castillo, na ang Manila leg ay nagtala ng 30,000 runners na tumakbo sa 42K, 21K, 10K, 5K at 3K.