PINURI ni MMDA Chairman Danilo Lim ang ilang Metro mayors sa kanilang pagsisikap na malinis ang lahat ng mga pangunahing kalsada sa kanilang nasasakupan.
Bagama’t hindi pa nabisita ni Lim ang lahat ng Metro mayors pero aminadong ikinatutuwa nito ang inisyatiba ng lahat.Ngayong araw personal na binisita ni General Lim ang mga lugar ng Pasig at Pateros sa kanilang clearing operations sa pangunguna nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Pateros Mayor Ike Ponce.
Aminado din naman ang dalawang alkalde na malaking hamon ang direktiba ng pangulo para sa kanila pero pagbubutihan nila na magampanan ito hanggang sa pagtatapos ng animnpung araw.
Ito na ang pang-apat na araw ng implementasyon ng memorandum circular sa lahat ng Metro mayors na linisin ang mga kalsada sa kanilang lugar para sa mas maayos na sistema ng trapiko sa Kalakhang Maynila.