STEPHANIE MACAYAN
SA bilis ng pagdami ng makabagong teknolohiya sa merkado ngayon, nararapat lamang na maging updated ang lahat para lubos na mapakinabangan ang mga gadgets, appliances, computers, mga high-tech na sasakyan at makina.
Ngunit, higit sa lahat, alamin natin kung ano-ano ang mga available na best smart thermostat sa ngayon at kung paano ito gamitin.
May mga thermostat na kayang kontrolin ang temperatura sa loob ng bahay at kaya rin nitong pababain ang bayarin sa kuryente.
Mayroon din na kayang pag-aralan ang iyong routines at awtomatiko itong maga-adjust ng temperatura kahit ikaw ay natutulog. Maaaring kontrolin ito sa pamamagitan ng voice commands at maaari nang i-adjust ang temperatura ng bahay o di kaya ng bawat kwarto. At ang maganda pa dito, kahit nasaan ka man, out of town o kahit pa out of the country pwedeng-pwede mo itong i-voice command. Ang ganitong feature ng smart thermostat ay nagbibigay sa gumagamit nito ng pagkakataon na ma-monitor ang temperatura ng silid tulugan o kahit ng buong bahay.
Ngunit, kahit na walang duda sa ginhawang dulot ng smart thermostat sa ating buhay, hindi pa ito abot-kaya ng karamihan. Tulad ng makabagong teknolohiya na bago palang sa merkado, may kamahalan ang mga ganitong kagamitan para sa bahay.
Kaya dapat magkaroon ng criteria sa pagbili nito at maaari rin na ibase ang desisyon kung bibili nito sa masusing pag analyze ng mga selling points ng mga iba’t-ibang smart thermostat sa pamilihan tulad ng people’s choice at budget friendly.
Narito ang ilang smart thermostats na maaring makita at mabili sa merkado base sa tinaguriang “people’s choice” at “budget friendly.”
- Honeywell RTH9580WF. Isa ito sa pinaka malaking brand ng thermostat sa business at ito ang second generation ng Wi-Fi Smart Color Thermostat na isa sa top budget-friendly na thermostat.
- Nest Thermostat E. Ito naman ay walang custom info kung saan dapat pinapakita ang oras at kasalukuyang weather forecast. Pero kaya nitong awtomatikong kontrolin ang temperatura ng silid, nasa bahay ka man o wala.
- Nest Learning Thermostat (3rd Generation). Ang produktong ito ay madaling gamitin at mabilis nitong mapag-aralan ang iyong routines. Meron itong built-in sensors na kayang mag detect kung may tao ba sa bahay upang ma-kontrol nito ang temperatura. Kaya rin nitong ma-locate at ma-track ang iyong cellphone upang maging remote control ng thermostat.