MELROSE MANUEL
ESPESYAL na ipinasilip ng NBA star na si LeBron James ang bagong basketball court na itinayo sa kaniyang sariling paaralan na ‘I Promise School.’
Sinamahan naman ang Lakers forward ng kaniyang mga kaibigan at former teammates sa St. Vincent-St. Mary High School sa pagbubukas ng multi-colored outdoor court.
Naglaro rin ang 4-time MVP kasama ang kaniyang high school buddies at ilang mag-aaral ng kaniyang paaralan.
Hindi naman naging madamot si James at nagpakitang Gilas pa ito sa pamamagitan ng isang dunk.
Ang I Promise School ay itinayo noong nakaraang July 30, 2018 sa hometown ni James sa Akron, Ohio at kasalukuyang nasa ikalawang academic year na.
Sa ngayon ay nasa 300 underprivileged students ang naka-enroll sa naturang paaralan mula Grade 3 to Grade 5.
Samantala, plano pa ng NBA Superstar na gumastos ng 1 million US dollar para magkaroon pa ng various upgrades sa I Promise School.