Subukan ang mga ilan sa mga gamit ng Apple Cider Vinegar na makakatulong ng mabuti sa ating pangangatawan at kalusugan.
NI: MARILETH ANTIOLA
ISA sa mga patok na paraan pang papayat at tinatangkilik ng marami ang pag gamit ng apple cider vinegar (ACV). Pinaniniwalaan na ang pag inom nito pagkagising habang wala pang laman ang tiyan at bago matulog ay nakakatulong upang malusaw ang taba sa tiyan.
Maari itong inumin ng diretso o ihalo sa maligamgam na tubig na may honey para mas madaling mainom kung hindi gusto ang lasa. Nakakatulong din itong magpababa ng sugar level. Bukod dito, napakarami pang mahalagang gamit ang ACV para sa kalusugan.
Ang ACV ay may ingredients na acetic, citric at malic acid na nakatutulong para puksain ang mga bacteria na nakasasama sa ating katawan. Ito rin ay may antiviral, anti-inflammatory at antifungal properties. Bukod pa rito, nakapagpapababa rin ito ng blood sugar, ng timbang at ng cholesterol. Good source rin ito ng polyphenols na siyang mainam na panlaban sa mga cardiovascular disease, neurodegenerative disease tulad ng Alzheimer’s, osteoporosis at diabetes.
Marami ring gamit ang ACV sa bahay at para rin sa ating mga alagang hayop. Anu-ano nga ba ito?
PAMPAPAYAT
Sa mga taong gustong magbawas ng timbang o magpapayat, uminom lamang ng isang kutsarang ACV kada araw. Makakaramdam agad ng pagkabusog matapos ito inumin. Bihira na makakaramdam ng gutom kaya bawas din ang pagkain kaya di madadagdagan ang timbang agad-agad.
PAMPA-GANDA NG BUHOK
Nakakatulong din sa pampalambot, kinang at ganda ng buhok ang ACV. Nakakatangal din ng mga balakubak o dandruff, split ends, at dry hair. Maari itong ihalo sa conditioner na gagamitin bago maligo. Iwanan sa buhok ng dalawa hanggang tatlong minuto bago banlawan. Gawin ito dalawang beses sa isang linggo.
PANGTANGGAL TAGIYAWAT
Ang kailangan lamang gawin para matanggal ang tagiyawat ay lagyan ng ACV ang bulak at ipahid sa mukha. Huwag masyadong matagal dahil masama naman ‘pag nasobrahan dahil maaaring ma-irritate ang inyong balat. Nakakatanggal din ito ng age spots at mga toxin sa mukha.
Ilan ito sa mga gamit ng ACV na lubos na makakatulong, ngunit laging tandaan na hinay-hinay lamang sa paggamit ng ACV dahil may mga masasamang epekto rin ito kung sosobra ang gamit.