NAGKAGULO ang mga residente ng Cogon, Bohol matapos masunog ang kanilang palengke. Ngunit hindi lang mga stalls at gamit ang nasunog, kundi pati na rin ang tatlong malalaki at mahahabang ahas na ayon sa mga tindera ay madalas na gumagapang sa kisame.
Ang mga ahas na ito ay kinilalang mga reticulated python na non-venomous o yung hindi makamandag o nakalalason na ahas.
Katabi ng nasabing palengke ang puno ng balete na siyang pinagmulan at pinamumugaran ng mga ahas.
Ayon sa ilang residente, alaga raw ng mga engkanto na nakatira sa balete ang mga ahas at ang magtangka na kumain nito ay magsusuka at sasakit ang tiyan.