ISINAGAWA ang survey mula June 22 to 26 sa pamaagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa.
CRESILYN CATARONG
MAYORYA o apat sa limang Pilipino ang nasisiyahan sa pagkalahatang pagsasagawa at resulta ng May 13 elections.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa second quarter ng taon, 80% ng mga Pinoy ang nagsabing kontento sila sa isinagawang eleksyon habang 12% ang hindi nasiyahan at 7% ang undecided.
Ayon sa SWS, sa kabuuan ay nakakuha ng +68 o very good net satisfaction rating ang nakaraang midterm election na mas mababa ng limang puntos mula sa record high na +73 o excellent noong 2016 presidential elections.
Sa kaparehong survey, 79% naman ng mga pinoy ang sumang-ayon na nagampanan ng Comelec ang kanilang tungkulin ng walang pinapaborang kandidato o grupo, 10% ang hindi naniniwala habang 11% ang undecided.
Nakita rin sa survey na 86% ang nagsabing kapanipaniwala ang resulta ng May 2019 elections para sa senators, 88% sa House of Representatives, 84% sa mga governor at 89% sa mga alkalde.