“MASAKIT po pag gumagalaw, nasasaktan po ako”
Pahayag ito ng pitong taong bata na si Jeyron matapos pumasok ang ipis sa kanyang tainga. Dumugo at nasugatan ang tainga ni Jeyron dahil sa pagpupumiglas ng ipis habang sinusubukang tanggalin ito ng kanyang magulang.
Ayon sa kanyang ina, madalas kumain ang mga bata sa kanilang kwarto kaya nagkaron ng ipis sa kanilang bahay. Hindi rin ito madalas linisan kaya naiipon lang ang dumi sa ilang sulok ng kwarto.
Dinala ang bata sa ospital at doon pinatanggal ang ipis gamit ang malaking tyani. Nakaipit sa dugo ang mga pakpak ng insekto kaya hindi rin ito agad nakaalis sa tainga ni Jeyron.
Maayos na ang kalagayan nito ngayon at sinimulan na nilang maglinis sa kanilang bahay. Agad din na naglagay ng kurtina at screen ang magulang ng bata upang hindi na maulit ang ganitong insidente.
Payo ng mga doktor kung may pumasok na insekto sa tainga ay agad itong dalhin sa ospital at doon ipatanggal. Dahil kung ito ay patatagalin pa ay maaaring magdulot ng impeksyon. Iwasan din ito na lagyan ng alcohol dahil mas lalong masasaktan ang biktima, mas mabuting baby oil ang ilagay para huminto sa paggalaw ang insekto at maging madali nalang ang pagtanggal nito.