Nanganak na ang magandang aktres na si Andi Eigenman sa kanyang ikalawang baby.
Maayos naman na iniluwal ni Andi ang kanyang baby girl.
Sa Instagram stories, ipinakita ni Philmar Alipayo ang kanyang larawan habang hawak ang bago nilang baby.
Ibininahagi rin niya ang video na kung saan makikita na maayos ang kalagayan ng bagong panganak na si Andi kasama ang panganay na si Ellie
Matatandaang sa mga post ni Andi bago pa siya nanganak ay ibinahagi niya ang pagiging excited sa panganganak muli.