NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
KUNG lumapit kayo upang makita ako, sino ang inyong makikita? – Ang Ama. Dahil tuturuan ko kayo ng Kanyang mga Salita. Ipatatalima ko kayo sa mga Salitang iyon. Wawakasan ko ang namamayaning binhi ng serpente ng inyong sariling kalooban sa inyong buhay. At pasisimulan ko ang isang bagong buhay ng pagsusunod lamang sa Kalooban ng aking Ama na siyang magiging Ama niyo na rin. Kasi ituturo ko sa inyo ang Kaniyang mga Salita.
Juan 10: 17-18, “Dahil dito’y sinisinta ako ng Ama, sapagka’t ibinibigay ko ang aking buhay, upang kunin kong muli. Sino man ay hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong magbigay nito, at may kapangyarihan akong kumuhang muli. Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama.”
IBINIGAY ANG BUHAY PARA SA AMA
Ibinigay ko ang aking buhay simula nang ako’y naging Hinirang na Anak sa 33 na taon. Bawat tao ay inaapakan ako. Sa kagusto-gusto nalang nilang sirain ako.
“Kulto ‘yan si Quiboloy. Masama ‘yan si Quiboloy. Namemera lang ‘yan si Quiboloy.” Sa 33 na taon ako’y inaapi noon ng mundo. Ibinigay ko ang aking buhay para sa Kanya. Ngayong Hunyo 17, binawi ko ang aking buhay. Binalik ng Ama ang aking buhay.
Biro niyo, kung wala pa ‘yung kapahayagan ng Hunyo 17, nananatili pa rin ako dito. Patatawarin ko pa rin kayo, bawat isa sa inyong sinisiraan ako. Ibigin ang inyong kaaway, pagpalain ang mga yaong sumusumpa sa inyo. Ginagawa ko pa rin ‘yan. Ngunit dahil sa kahatulan na ngayon ay hustisya na ibinigay sa Hinirang na Anak, nang sinabi Niyang, “Hindi ko na hayaan ang sinuman ngayon na manira sa iyong pangalan. Ngunit kapag ginagalang ka nila, sila ay pagpapalain. Ngunit kapag nagsasalita sila ng negatibo sa pangalan na iyan na ngayon ay aking Bagong Pangalan, sila ay nasa panganib ng nagbabagang apoy.
Lawa ng apoy ‘yan. Sa halip na tubig, ito ay lava. Ito ay tubig ng apoy. Ang masama pa diyan ay hindi kayo mamamatay. Mabuti sana kung sa pagbulusok ninyo, mamamatay kayo pero hindi kayo mamamatay dahil espirituwal na ang inyong katawan. May natural na katawan at may espirituwal na katawan. Mabuti sana ‘yung espirituwal ninyo na katawan ay pupunta sa langit. Masisiyahan kayo sa kaginhawaan ng bawat isa. Ngunit kapag kayo ay patungo sa lava o sa lawa ng apoy, doon na kayo magpakailan pa man.
PAGGALANG SA ANAK
Ang lahat ng kapangyarihan ng langit at lupa ay pinagsanib sa Hinirang na Anak ng Ama. Ang mga araw ng paglapastangan at panunuya ay tapos na. Hindi na hahayaan ng Dakilang Ama na ang Kanyang pangalan na nasa Anak ay siraan at bastusin.
Mateo 12: 31-32;
b-31 Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipapatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipapatawad.
b-32 At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipapatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipapatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.
‘Yan ang sinabi ko sa kanila. Hindi ipapatawad ang magsalita laban sa Banal na Espiritu. Ngunit laban sa akin, patatawarin sila ng Ama. “Hindi Anak, sa 33 na taon ay pinatawad ko sila. Ngayon, dapat nilang malaman na hindi ka dapat nila siraan dahil ikaw ay mabuti. Sa 33 na taon ay pinatunayan ko sa kanila. Kapag ginawa pa rin nila ito pagkatapos ng Hunyo 17, sila ay nagkakasala. Tuwiran na nila itong ginawa sa Akin dahil ibibigay ko sa iyo ang aking Pangalan at ang iyong pangalan ay magiging aking Bagong Pangalan.
Wala na kayong pupuntahan pa kahit saan sa dalawang iyan. Mananagot talaga kayo. Kaya nasa panganib kayo sa walang hanggang lawa ng apoy.
Pahayag 2: 26-27
b-26 At ang magtagumpay at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa.
At Kanya na itong ginagawa ngayon sa 200 bansa, 2,000 lungsod na itinataas ang pangalan ng Dakilang Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak.
MAGHAHARI BILANG PANGHAMPAS NA BAKAL
b-27 At sila’y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama.
Maghahari ako bilang isang panghampas na bakal. Masakit kasi ito, itong mensahe ko. Ang mensaheng ito ay napakasakit. Kaya kagaya ito ng isang panghampas na bakal. At bilang isang magpapalayok, sila ay madudurog. Kaya mararamdaman nila ang sakit. “Masakit masyado ‘yung mensahe mo. Pinakyaw mo na lahat.” Siyempre itong lahat ay ibinigay sa akin. Ang lahat ay ibinigay sa Anak. Ang Anak ang may-ari ng lahat ng iyan. Masakit daw sa kanila iyon ngunit wala akong magagawa. Iyan ay Salita ng Panginoon.
Psalm 2: 9-12;
b-9 Sila’y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila ng parang isang sisidlan ng magpapalayok.
Alam niyo, maraming nasasaktan dito sa mensahe ko, parang pinapalo raw sila ng bakal. Meron talaga. May taong nagsabi niyan sa text message, “Parang sinasaktan mo kami sa isang tungkod na bakal. Sobrang sakit. Ang iyong mensahe ay masakit sa amin dahil tuwiran nitong kinalaban ang aming doktrina, at kapag maniniwala ang tao sa iyo, mawawalan kami ng negosyo.”
Negosyo lang pala sa inyo? Sa akin ay espirituwal na negosyo para sa Ama. Kayo, ‘yung tunay na negosyo ninyo ay hindi sa kaluluwa, para sa bulsa niyo. Wala kayong pakialam sa kaluluwa. Kung may pakialam pa kayo sa kaluluwa, itinuro na sana ninyo itong itinuro ko sa kanila.
At pagkatapos ay sasabihin sa mga tao, “Tingnan mo, dumami na kayo. Marami ka ng pera, Quiboloy.” Alam niyo, inumpisahan ko itong mensahe na ako’y mag-isa. At nangaral ako sa dalawang tao, pagkatapos ay sa 15 at pagkatapos ay sa 20. Nang ako ay kumakain ng saging, nang magkaroon ako ng bahay na kapag umulan ay binabaha, ang aming pagsama-sama ay nagpapatuloy kahit na ang aming mga paa ay kailangan nang tumuntong sa sopa at ang tubig ay aabot na sa aming mga tuhod. At pupunta ako sa palengke tuwing gabi upang bumili ng mga sirang isda, sirang gulay, dahil sa halagang P50 ay isang basket na iyon at ‘yan ang lahat ng aming badyet. Ang aking pangangaral ay pareho lang.
(ITUTULOY)