NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
NAGPASALAMAT ako sa Ama sa lahat ng mga katagumpayan, mga pinakahuling kaganapan sa Kaharian na atin lamang na saksihan at sa bawat linggo ating ibinabahagi ang mga katagumpayan, mga pagpapala, lahat ng mga KLC na isinilang sa Bansang Kaharian. Ito ay isang pagpatutunay na ang gawain na ito ng Ama na ngayon ay nasa buong sanlibutan, sa 200 na mga bansa, 2, 000 na mga lungsod at ang malawakang paglaganap nito ay hindi mapipigilan. Ito ay hindi mapipigilan.
Ang mga puwersa ng kadiliman at ang mga puwersa ng impiyerno ay ganap nang nadaig. Hindi lamang natin inangkin ang katagumpayan, binubuhay natin ang katagumpayan sa bawat araw. Ang Ama ngayon ay binago tayong mga Mamamayan ng Kaharian mula sa pagkabata sa pagiging anak na may pananagutan hanggang sa pagiging anak kungsaan ang Ama ay idineklara tayo bilang mga anak na lalaki at anak na babae. At ang ating espirituwal na pananaw ay ganap nang nabago, mula sa pagkaalipin sa pagiging utusan hanggang sa pagka-Anak. Ang inyong pananaw ay nagbabago sa bawat panahon.
Sa paraan na inyong naunawaan ito nang kayo ay isang musmos ay iba sa paraan na naunawaan ninyo ito nang kayo ay nasa kabataan at ganap na naiba ang inyong pananaw sa buhay. Kapag kayo ay gumulang na at ganap na naiba ang pananaw ninyo nang kayo ay naging isang pamilyadong tao. Ang mga ito ay ganap na magkaiba sa pananaw ng buhay at ang mga ito ay ganap na magkaiba sa pananaw sa espirituwalidad ng ating espirituwal na paglago. Kaya ang apostol na si Pablo ay nagsabi, “Nang ako’y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang bagay ng pagkabata.” Magkaiba mula sa inyong pananaw bawat panahon na kayo ay pakitunguhan sa espirituwal ng Dakilang Ama sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak.
ANG ESPIRITUWAL NA PAGLAGO
Ang espirituwal na pagtubo ay punang-puna sa marami at minsan ang espirituwal na pagtubo ay napakabagal sa ilan ngunit mabilis sa iba dahil sila ay ganap na sumuko at masunurin sa Kalooban ng Ama. Ang espirituwal na pagtubo ay napabilis at ang maaari silang gamitin ng Ama upang sumuporta sa gawain saanman sila naroroon at maging kasama sa espirituwal na gawain ng Ama sa sanlibutan. At hindi lamang sila maging mga miracle worker ngunit sila ay naging espirituwal na mandirigma, nagtatagumpay sa mga digmaan sa espirituwal para sa Dakilang Ama saanman sila.
Pinupugutan ko ang ulo ng serpente araw-araw, kahit saan man ako tutungo. Bagama’t naangkin ko na ang pamumuno at katagumpayan ngunit saan lugar man matatagpuan ang ulo ng serpente ay pinupugutan ko ito. Mayroon akong isang rebelasyon ilang gabi na ang nakararaan kungsaan nakita ko ang malaking python na ito.
Ito ay napakalaki, ito ay itim. Pumulupot ito sa sarili ngunit nakita ko ang dalawang ulo ng serpenteng ito. Hindi ko alam kung mayroong dalawang serpente o isa ngunit dalawang ulo ang nakita ko sa magkabilang direksyon kaya lumapit ako. Ang isang ulo ay nakaharap sa hilaga at ang isa naman ay nakaharap sa timog. Akala ko mayroong dalawa ngunit nang tingnan ko ng malapitan, isang serpente lamang ito. Iyan ang unang pagkakataon na nakakita ako ng isang serpente na may dalawang ulo sa magkabilang dulo. Nang nakipaglaban ako sa kanya, pinutulan ko siya ng leeg akala ko napatay ko siya ngunit mayroon na namang pumulupot na isa pang ulo.
Mayroon pang isang ulo. Sabi ko, “Naputol ko na ang ulo nito, bakit mayroong isa pang ulo?” Nalaman ko na lamang na ito ay kakaibang serpente, ito ay may dalawang ulo. Walang buntot, lahat ay ulo sa magkabilang direksyon. Kaya kailangan ko na namang putulin ng pangalawang beses. Alam ba ninyo kung ano ‘yan? ‘Yan ang patunay ng serpente na hindi ninyo dapat ipagwalang-bahala dahil akala ninyo patay na pero hindi pa pala ito patay. Minsan ipinagwalang-bahala na ninyo at naging palagay na ang loob ninyo na wala na ang ulo ng serpente upang kalabanan kayo o lasunin kayo.
Malalaman na lamang na mayroon pang iba sa buntot at hindi ito buntot, ito ay ulo. Kaya maging maingat kapag humaharap sa espirituwal na paglago dahil ‘yan ang panahon na kakalabanin kayo diyan ng kaaway. Bagama’t inangkin na natin ang katagumpayan at pamumuno, ngunit sa inyong espirituwal na paglago, mayroon pa kayong Tamayong. Mayroon pang bautismo ng apoy. Mayroon pang dinadaig at pagkatapos ng pagdadaig ay may panahon kayo para gamitin ng Ama upang maging espirituwal na mandirigma at isang esperituwal na manlulupig para sa Kanya.
At hindi ninyo ‘yan magagawa ng walang paglago sa espiritu. Kaya aking ipinagtutulakan ng maigi ang paglago sa espiritu upang ang bawat isa sa inyo kapag napatanto ninyo, pareho na kayo sa akin, hindi lamang ang inyong Pastor ang maaasahan, maaasahan ko na rin kayo.
1 Mga Taga-Corinto 13:11
(11) Nang ako’y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
Napakalinaw ‘yan.
(12) Sapagka’t ngayo’y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni’t pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo’y nakikilala ko ng bahagya, nguni’t pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.
MAGKAIBANG PANANAW NG ESPIRITUWAL NA PAGLAGO
Kaya, kung suriin ninyo itong mga Manna ng Kapahayagan ng Salita ng Panginoon, ang mga ito ay may magkaibang pananaw ng espirituwal na paglago.
Kapag ang isang bata ay tumingin sa akin, titingnan niya ako ng iba sa paraan na tinitingnan ninyo ako. Paano niyo ba ako tinitingnan? Ngayon ay narito ako hindi lamang bilang isang Hinirang na Anak ng Panginoon ngunit isa ring anak ng tao. Isa akong tao na kagaya ninyo, ako’y naisilang sa espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama ngunit ako rin ay mula sa nagkasalang lahi ni Adan na nailigtas sa pamamagitan ng grasya ng Ama upang gawin ang Kanyang Kalooban dito sa sanlibutan. Paano ninyo ako tinitingnan?
Espirituwal o karnal? Sa paraan na nakikita ninyo ako ay ‘yan kayo. Ganyan kayo. Kung hindi ninyo ako pinagkatiwalaan, kilala ninyo kung sino kayo, hindi niyo mapagkatiwalaan ang inyong sarili. Tingnan ako sa pananaw ng isang naglalang sa akin, tingnan ako sa mga mata ng Ama. Kapag tiningnan ninyo ako, at pinaghinalaan ninyo ako, hindi ‘yan ako, kayo iyan.
Nakikita ninyo ang espirituwal na pananaw? Tinuturo ko ito sa inyo dahil ito ang itinuro ng Ama sa akin. Sinabi niya, “Anak, ipadadala kita bilang kaunahang espirituwal mula sa nagkasalang lahi ni Adan bilang isang Hinirang na Anak.” Ito ay kung paano ninyo makilala ang mga tao, sa paraang sila ay titingin sa inyo, ay sila ‘yan. ‘Yan kung sino kayo. Kaya alam kong sino kayo.
(ITUTULOY)