NALUNOD sa isang balde na may oxalic acid o chemical na panglinis sa mga gulay ang anim na buwang sanggol na babae nang gumapang ito at masagi ang balde alas dos ng madaling araw.
Kapwa nagtitinda ng mga gulay ang magulang ng bata sa Libertad Public Market sa Bacolod City at dahil sa pagod sa buong araw ay napagpasyahan ng mga ito na sa puwesto na lamang matulog. Nagising ang mag asawa at nagulat nang makitang nalulunod na sa balde ang kanilang mahal na anak.
Agad na itinakbo ang bata sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod para ipagamot ngunit hindi rin ito nagtagal.