STAR-studded ang naging ganap sa binyag ng pangalawang anak ng celebrity royalties na sina Marian Rivera at Dongdong Dantes na si Joese Sixto Dantes IV o Baby Ziggy.
Dinaluhan ng 31 na ninong at 13 na ninang ang binyag na isinagawa sa Makati City.
Kabilang sa mga local stars sa list of godparents ni Baby Ziggy sina Paolo Contis, Boobay, Direk Dominic Zapanta at Celeste Tuviera.
80s naman ang naging theme ng reception nito na ginanap sa Bonifacio Global City.
Nagsilbi ding advance birthday celebration para kay Daddy Dingdong ang naturang event.