NI TERRIJANE BUMANLAG
NAMAMASUKAN ng halos dalawang linggo pa lamang si Jomar Junco 18 taong gulang sa isang Sausage Factory sa Mansaya-Lapuz, Lapaz District Iloilo City, nang kanyang linisin ang meat mixer habang ito ay nakasaksak pa sa kuryente.
Sa pagsisiyasat ng mga kapulisan, habang nililinis ni Junco ang meat mixer naipasok niya nang malalim ang kanyang kamay at kinain ito ng mixer, dahil naka-on ang machine tuloy tuloy nitong nilamon ang binata, abot na sa baywang ang nilamon ng machine sa katawan ng kawawang binata nang makita ito ng kanyang kasamahan at agad na pinatay ang machine.
Dahil sa aksidente, agad na ipinasara ang Sausage Factory