MARGOT GONZALES
NAIS paimbestigahan sa Senado ni Senador Ralph Recto ang bilyun-bilyong pisong halagang delayed projects ng National Irrigation Authority.
Sa isang resolusyon na nakatakda nyang isumite sa Senado, nakasaad na dapat aksyunan na ng Senado ang mga napakalaking delayed projects na pinondohan ng pamahalaan mula ng taong 2009 na hanggang ngayong taong 2019 ay hindi pa naipatutupad.
Sinabi ni Recto na ang mga nasabing proyekto ay irrigation projects na bahagi ng Build, Build, Build Program ng pamahalaan.
Una na aniyang nagbabala ang COA kaugnay sa 214 delayed projects noong 2014 na nagkakahalaga ng P5.43 bilyon, ngunit naulit pa rin ito at nadagdagan pagdating ng taong 2015 kung saan ang bilang ay tumaas sa 183 irrigation projects na nagkakahalaga ng P8.24 bilyon.