CRESILYN CATARONG
NAIS na imbestigahan ni Senate Committee on Finance Senador Sonny Angara ang sobra sobrang overstock medicine sa warehouse ng Department of Health.
Sa isang resolusyon na inihain ni Angara sa Senado ay iimbestigahan ang P18.4 bilyong overstock ng gamot sa warehouse ng DOH na dapat sanang naipamahagi na sa mga mahihirap na pasyente base sa ulat ng Commission on Audit noong 2018.
Nalulungkot si Angara dahil nagpapakahirap na pumila at tila namamalimos na sa mga ahensya ng pamahalaan ang mga pasyenteng mahihirap para lamang makakuha ng libreng gamot kung minsan napagkakaitan pa.
Dahil dito ang mga naturang gamot na dapat na ipamahagi sa mga pasyenteng dukha ay nagpaso o expired na at hindi na mapapakinabangan.
Labis na nanghihinayang si Angara sa halos P20 bilyon nasayang na mga gamot na dapat na ipaliwanag ng DOH sa ipapatawag na pagdinig para na rin malaman kung magkano dapat ang kanilang ilalaan na pondo sa DOH sa taon 2020.
Lumalabas sa report ng COA na ang nasasayang na gamot dahil sa overstock ay umaabot sa P18.4B noong 2018, P16B noong 2017, P11.3B noong 2016 at P10B noong 2015.