Malaking tulong ang mga healthy diet na ito upang magkaroon ng malakas at malusog na pangangatawan sa natural at simpleng pamamaraan.
MARILETH ANTIOLA
ANG pagkakaroon ng magandang katawan ay pangarap ng karamihan. Ito ay ang nagiging pangunahing puhunan pagdating sa trabaho at pakikipagkaibigan. Ang maayos na pangangatawan ay senyales din ng mabuting kalusugan.
Ngunit may mga ilan din na nais magpapayat nang hindi napapagod o walang ginagawang kahit anong uri ng page-ehersisyo. Posible nga ba ito? Ang pagbawas ng timbang ay hindi ganoon kadali ngunit may mga iilan na nagkaroon ng sariling mga paraan para magawa ito ng walang halong page-ehersisyo.
Ang mga sumusunod ay mga paraan kung papaano mababawasan ang iyong timbang sa natural na paraan, ang mga healthy diets katulad ng:
- Ketogenic diet
Sumisikat ngayon ang diet na ito dahil nakakatulong ito sa mga taong gustong pumayat o magbawas ng timbang. Ilang dekada na ring ginagamit ang ketogenic diet bilang isang paggamot para sa epilepsy at na-explore din para sa iba pang mga gamit.
Maraming kilalang personalidad at artista na rin ang mga sumubok sa ketogenic diet o mas sikat sa tawag na keto diet.
Mabuting dulot ng keto diet
Hindi lang pampapayat ang maaaring maitulong ng keto diet kundi sa pagkakaroon ng bagong sistema ng iyong katawan, may health benefits din itong dinudulot gaya ng mga sumusunod:
- Mabilisang pagpayat nang hindi naaapektuhan ang muscles. Isang magandang halimbawa nito ang sikat na basketbolistang si LeBron James. Siya ay nabawasan ng 25 pounds sa loob lamang ng 67 days nang dahil sa keto diet.
- Pagtanggal ng taba o fats. Tinatanggal ng keto diet ang fats sa mga lugar ng tiyan lalo na ang napaka-delikadong taba sa mukha, baba, at iba pang mga parte ng katawan maliban na lamang sa tabang matatagpuan sa ilalim ng balat.
- Zone diet
Malaking tulong ang diet na ito para maging balanse ang mga nutrisyon na dapat makuha natin sa bawat pagkain na ating kinakain. Makakakuha tayo ng sapat at masustansyang protina at carbohydrates.
Limitahan ang mga pagkain ng mga pulang karne, pula ng itlog at yung mga tinatawag na processed foods at piliin na kainin ang mga pagkain na mayaman sa omega-3 fatty acids kagaya ng tuna, avocado, mani o almonds at pagkain na may olive oil.
Sa pamamagitan ng diet na ito mas mapapanatili mo ang iyong katawan na healthy at sexy, na hindi mangangamba sa biglaang paglaki ng katawan.
- Atkins diet
Ang Atkins diet ay kabilang sa “New Diet Revolution” ni Dr. Robert Atkins na mainam upang makatulong sa pagkontrol ng mga antas ng insulin sa katawan. Sa pamamagitan ng diyeta na ito ay makakakuha lamang ng tamang carbohydrates.
Kung ikaw ay handa nang mabawasan ang timbang nang mabilis, maaari mong subukan ang Atkins diet.
4 na bagay na isasaalang-alang sa Atkins diet:
- Limitahan ang iyong pagkonsumo ng calorie, sapat na ang 1, 000 calories kada araw.
- Kumain ng tamang dami ng pagkain kada tatlong oras, upang mabawasan nang mabilis ang iyong timbang.
- Mainam na kainin sa iyong diyeta ang mga nuts, pagkain na may butter, pabo at mga karne ng baka at manok.
- Sundin lamang ang Atkins diet tatlo hanggang limang araw at mapapansin mo na agad ang pagbabago ng iyong timbang.
- Mediterranean diet
Isa rin ang Mediterranean diet sa mga sikat na diyeta sa ngayon na madalas irekomenda ng mga gym instructors sa kanilang mga trainees dahil mas makakatulong din sa kanila ito na habang nag-eehersisyo at dumadaan sa mga weight loss training ay makakuha pa rin ng sapat na sustansya.
Ang Mediterranean diet ang pinaka-nangunguna at pinaka-malawak sa mga diet na pinag-aaralan hanggang ngayon. Nakakatulong ito sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng isang tao at pagbaba ng panganib sa sakit.
Mga dapat tandaan sa Mediterranean diet
Sa mga prutas kabilang ang mansanas, peras, dalandan, lemon, tangerine, strawberry, apricot, ubas, pakwan, melon, strawberry at raspberry.
Sa mga gulay naman tulad ng mga kamatis, litsugas, pepper, sibuyas, bawang, talong at pipino.
At pagdating naman sa mga gulay at isda, kasama ang white beans, chickpeas, cuttlefish, pusit, hake, espada, at anchovy.
Malaking tulong ang mga nabanggit na mga uri ng diet upang maging malusog, makakuha ng sapat na sustansya at maging susi upang makamit ang iyong inaasam na #bodygoals.